^

Bansa

PNoy, HK exec nagkasundo sa ‘hostage’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkasundo sina Pa­ngulong Aquino at Hong Kong chief executive officer Leung Chun-Ying na iwan na sa nakaraan at mag-move on kaugnay ng Manila hostage crisis noong Agosto 2010.

Ang 30-minutong meeting na hiniling ni Leung ay nangyari matapos bulyawan ng tatlong HK journalists si P-Noy bago magsimula ang plenary meeting ng Asia Pacific Economic Coo­peration (APEC) Summit sa Nusa Dua sa Bali, Indonesia.

Ayon sa Pangulo, sinikap nilang dalawa na bigyang-linaw ang usapin. Ipinaliwanag niya ang posisyon ng Pilipinas sa hindi paghingi ng paumanhin sa hostage crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.

“We explained and sagot parang dinedma, ano, tapos nagkaintindihan nang kaunti. Sabi ko sa kanila, sa culture namin when we apologize then it admits that we are at fault as a country, as a government, and as a people. And we pointed out, that from our perspective, there is one lone gunman responsible for this tragedy,” paliwanag pa ni PNoy.

Sabi naman anya ni Leung, sa kanilang kultura ay inaasahang humingi ng paumanhin ang awtoridad sa maling nagawa ng kababayan.

Pero sagot ng Pa­ngulo, “So sabi ko, ‘That’s your culture, you practice those. That’s your system but in our system… We cannot admit wrongdoing if it’s not ours. But we do extend our sincerest condolences.’ Again, we expressed our deepest reg­ret that it’s so contrary to how we treat visitors in our country,” na naunawaan naman ni Leung.

Sinabi rin ng Pangulo na kung sa bansa nangyari ang pambabastos ng media sa bisita ay tatanggalan niya rin ito ng akreditasyon.

AGOSTO

AQUINO

ASIA PACIFIC ECONOMIC COO

HONG KONG

LEUNG

LEUNG CHUN-YING

NUSA DUA

PANGULO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with