MANILA, Philippines - Naninindigan si PaÂngulong Aquino na huwag alisin ang Disbursement Accelaration Program (DAP) sa kabila ito ng mga petisyon sa Supreme Court (SC) para matigil at maideklarang iligal ang nasabing alokasyon.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa coffee with the media kamakalawa ng gabi sa Bali, Indonesia na mahalaga ang nasabing mekanismo ng DAP para mapabilis ang pagpondo sa mga kinakailangang proyekto.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat nade-delay ang implementasyon ng mga proyekto na pakikinabaÂngan ng taongbayan lalo na kung may savings naman sa national budget na aprubado ng Kongreso.
Hindi naman aniya sila nag-iimbento ng bagong budgetary line at tiwala itong walang nalalabag na batas.