MANILA, Philippines - Matapos makaladkad ang pangalan sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP), ibinunyag kahapon ni dating Senator Panfilo “Ping†Lacson na isang senador ang alam niyang nakakuha ng mahigit na P1 bilyong pork barrel noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Pero mistulang ginawang blind item ni Lacson ang nasabing isyu dahil hindi nito pinangalanan ang nasabing senador.
Ibinunyag pa ni Lacson na bukod sa P200 million pork barrel funds na nakalaan sa bawat senador, may natatanggap pa ang mga ito na P100 milyon at may mga “matitikas†din na nakakatanggap ng P300 milyon hanggang P500 milyon.
“Minsan may matitikas na senador hanggang P300 milyon, P400M, P500M, depende kung maaprubahan o walang mag-o-object sa floor minsan may makakakuha. May alam ako na senador in previous years mahigit P1 bilyon,†pahayag ni Lacson.
Inamin ni Lacson na “namula ang kanyang tenga†at nagalit siya ng mabanggit ang kanyang pangalan na nakakuha ng P30 milyong DAP na inilaan niya sa Department of Science and Technology (DOST) dahil ang nasabing pondo ay malinaw na bahagi na ng General Appropriations Act (GAA) para sa 2012.
Sinabi ni Lacson na hindi nakikita ng mga tax payers ang taon-taong karagdagang pork barrel ng mga mambabatas na bukod sa regular P200 million.
Ayon pa kay Lacson na mula noong panahon ni Arroyo ay nakakakuha ng karagdagang pork barrel ang mga mambabatas hanggang nitong 2013.
Pinanindigan ni Lacson na wala siyang natanggap na DAP at kahit kailan ay hindi niya tinanggap ang kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Fund.