^

Bansa

Senador nakakuha ng P1 B ‘pork’ - Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos makaladkad ang pangalan sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP), ibinunyag kahapon ni dating Senator Panfilo “Ping” Lacson na isang senador ang alam niyang nakakuha ng mahigit na P1 bilyong pork barrel noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Pero mistulang ginawang blind item ni Lacson ang nasabing isyu dahil hindi nito pinangalanan ang nasabing senador.

Ibinunyag pa ni Lacson na bukod sa P200 million pork barrel funds na nakalaan sa bawat senador, may natatanggap pa ang mga ito na P100 milyon at may mga “matitikas” din na nakakatanggap ng P300 milyon hanggang P500 milyon.

“Minsan may matitikas na senador hanggang P300 milyon, P400M, P500M, depende kung maaprubahan o walang mag-o-object sa floor minsan may makakakuha. May alam ako na senador in previous years mahigit P1 bilyon,” pahayag ni Lacson.

Inamin ni Lacson na “namula ang kanyang tenga” at nagalit siya ng mabanggit ang kanyang pangalan na nakakuha ng P30 milyong DAP na inilaan niya sa Department of Science and Technology (DOST) dahil ang nasabing pondo ay malinaw na bahagi na ng General Appropriations Act (GAA) para sa 2012.

Sinabi ni Lacson na hindi nakikita ng mga tax payers ang taon-taong karagdagang pork barrel ng mga mambabatas na bukod sa regular P200 million.

Ayon pa kay Lacson na mula noong panahon ni Arroyo ay nakakakuha ng karagdagang pork barrel ang mga mambabatas hanggang nitong 2013.

Pinanindigan ni Lacson na wala siyang natanggap na DAP at kahit kailan ay hindi niya tinanggap ang kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Fund.

AYON

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

IBINUNYAG

LACSON

PANGULONG GLORIA ARROYO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATOR PANFILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with