MANILA, Philippines - Ang Pilipinas ang magiging host ng 2013 ASEAN Schools Games Golf Tournament (ASG-GT) na gaganapin sa susunod na buwan.
Nabatid na nilagdaan na ng Department of Education (DepEd) at ITCSI Foundation Inc, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kung saan itinakda ang papel ng bawat panig sa pagtataguyod sa ASG-GT, na nakatakdang idaos sa Nobyembre 25 hanggang 29.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, layunin ng ASEAN Schools Games na paghusayin at pagyamanin pa ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga estudyante sa ibang bansa, isulong ang ASEAN solidarity sa mga kabataan sa pamamagitan ng school sports at magbigay ng mga oportunidad sa mga school athletes na makasama sa cultural exchange.
Kasama ni Luistro na pumirma sa kasunduan sina Ms. Narlene Soriano, Executive Director ng ITCSI, Filipina C. Laurel, Deputy Executive Director ng ITCSI, Luigi Tabuena ng Junior Golf Foundation of the Philippines at Mr. Rizalino D. Rivera, Undersecretary ng DepEd.