MANILA, Philippines - Tinukoy ng dating katulong na ipinakulong ni Janet Lim Napoles ang mga ka-miting na Senador at Kongresista ng kanyang amo na tinaguriang pork barrel scam queen.
Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta, nagsalita na sa kanila si DoÂminga Cadelina at inihayag umano nito ang paÂngalan ng mga Senador at Kongresista na madalas kausap at nakikita tuwing may okasyon si Napoles.
Tumanggi naman si Acosta na pangalanan ang mga binanggit ni Cadelina dahil sa masyado pa itong maaga.
Karamihan umano sa mga pinag-uusapan nina Napoles at ng mga katransaksyon na mambabatas ay ukol sa pera.
Pinaniniwalaan na malaki ang maitutulong ni Cadelina sa imbestigasyon sa pumutok na pork barrel scam dahil sa mga nalaman nito bilang personal na kasambahay ni Napoles.
Samantala, dalawa pang saksi ang sumalang kahapon sa pagdinig sa “bail petition hearing†sa kaso ni Napoles na “serious illegal detention†na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy sa Makati City Regional Trial Court Branch 150.
Kabilang sa sumalang sa witness stand ay ang dating empleyado ni Napoles na si Mary Arlene Baltazar na naka-bullet proof vest pa at si Anabelle Luy na nagsalaysay ng hirap na dinanas ng kanyang kapatid na si Benhur Luy habang nakakulong sa condo unit ng mga Napoles.