MANILA, Philippines - Tatlo sa siyam na Hong Kong journalist ang bumastos at nambuli kay Pangulong Benigno Aquino lll sa 23rd APEC summit sa Bali, Indonesia.
Dahil sa ginawa ng mga mamamahayag kaya hindi na pinayagan ng Indonesian Communications Ministry na mag-cover pa sa APEC.
“We deemed it improper for media to act that way, as they didn’t talk normally but they were very demonstrative, like they were protesting,†wika ni Gatot Dewa Broto ng Indonesian communications ministry official na in-charge sa APEC media center sa Bali.
Ayon pa sa opisyal, security threat sa Pangulo ng Pilipinas ang mga HK journalists na bumastos dito kaya hindi na nila pinayagang mag-cover ng APEC.
Aniya, ang press badges ng mga HK journalists na ito na sumigaw at nambastos kay Pangulong Aquino ay na-deactivate ng Communications Ministry.
Pinayagan pa din ang mga HK reporters na manatili sa Bali subalit hindi na sila pinayagang magtungo sa media center at mag-cover ng APEC summit.
Nag-ugat ito sa ginaÂwang pabastos na pagÂtatanong ng mga HK journalists kay PNoy ukol sa nasawing 8 HK tourists sa Manila hostage crisis.
Pilit ding tinatanong ng mga HK reporters kay PNoy kung hihingi ba ito ng apology kay HK leader Leung Chun-ying na dumalo sa APEC dahil sa pagkasawi ng mga HK tourists sa Manila hostage incident.
Sinabi naman ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang na lumabag sa ethical boundary ang mga HK reporters.
“As a former journalist I know what it’s like to aggressively question a subject.The behavior of these reporters crossed the line from mere questioning to heckling, and was even construed by Indonesian security personnel assigned to the president as a potential physical threat to him,†paliwanag pa ni Carandang na kasama ng Pangulo sa Bali.