^

Bansa

PNoy nasa Indonesia para sa APEC Summit

Ellen Fernando/Rudy Andal/Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon si Pangulong Aquino patungong Bali, Indonesia upang dumalo sa ika-21 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Lea­ders’ Summit.

Dakong alas-8 ng umaga nang umalis ang Pa­ngulo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 lulan ng PAL flight PR-001 patungong Bali.

Sa kanyang departure message, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang kanyang presensya at pagdalo sa APEC summit upang samantalahin ang pagkakataon na manghimok ng mga lider ng iba’t ibang bansa at mga mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas bilang isang angkop na lugar sa negosyo na naglalayong mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“Taas-noo nating ibabahagi sa kanila ang positibong transpormasyon sa bansa, at ang tumataas nating kakayahan na makipagtulungan sa iba’t ibang larangan: sa usapin man ng climate change at disaster management, maritime security at sa pagpapaigting ng free trade agreement sa mga karatig-bayan sa pamamagitan ng Regional Comprehensive Economic Partnership,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na bagaman nasa malayong biyahe man siya, laging bitbit nito ang interes ng mas nakararami na kanyang prayoridad.

Naging advance party ng Pangulo sa Bali, Indonesia sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Communications Secretary Ricky Carandang.

Mananatili ang Pangulo sa Indonesia hanggang Oktubre 8 at didiretso na siya sa Brunei Darussalam upang dumalo sa ika-23 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Oktubre 9 at 10.

Nabatid na umaabot sa P14.3 milyon ang magiging gastos ng pamahalaan sa dalawang trip ng Pangulo sa Indonesia at Brunei.

Babalik umano ang Pangulo sa bansa sa Oktubre 10.

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION

BRUNEI DARUSSALAM

COMMUNICATIONS SECRETARY RICKY CARANDANG

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

OKTUBRE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with