MANILA, Philippines - Alam umano ni Pangulong Aquino ang dayaan noong nakaraang halalan kung saan kakutsaba pa umano nito ang Commission on Election at ang Smartmatic upang manipulahin ang resulta ng nakaraang May 2013 elections.
Itoang ginawang pagbubunyag ni Tingting Cojuangco, tiyahin ng Pangulo.
Si Tingting ay asawa ni Jose “Peping†Cojuangco at tumakbo bilang senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance.
Sa panayam ng isang radio station, sinabi ni Cojuangco na pinag-aÂralan niya at ng isang election ang voting patterns sa buong bansa kung saan ang 6.78 porsiyento ay napunta sa Liberal Party candidates habang ang ibang porsiyento ay napunta naman sa ibang kandidato.
“What we saw is that whoever put this together was either SmartmaÂtic or Comelec. Sila po ang nag-ayos nito,†ani Tingting.
Tahasan din nitong sinagot ang tanong kung may nalalaman si PNoy sa naganap na dayaan.
“Oo. You cannot do this kasi e. Siyempre si (Comelec) Chairman (Sixto) Brillantes will be too afraid to do this unless he was directed to do it and he will be protected,†dagdag pa ni Tingting.
Hindi lamang ito ang unang alegasyon ng dayaan sa nagdaang halalan. Siyam sa Team PNoy ang nanalo habang tatlo naman ang lumusot sa UNA.
Idinagdag pa ni TingÂting na nagsimula ang vote manipulation started sa araw ng halalan nang magkaroon ng discreÂpancies sa poll tallies ng Comelec.