^

Bansa

PNoy idinawit sa dayaan sa midterm elections

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Alam umano ni Pangulong Aquino ang dayaan noong nakaraang halalan kung saan kakutsaba pa umano nito ang Commission on Election at ang Smartmatic upang  manipulahin ang resulta ng nakaraang May 2013 elections.

Itoang ginawang pagbubunyag ni Tingting Cojuangco, tiyahin ng Pangulo.

Si Tingting ay asawa ni Jose “Peping” Cojuangco at tumakbo bilang senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Sa panayam ng isang radio station, sinabi ni Cojuangco na pinag-a­ralan niya at ng isang election ang voting patterns sa buong bansa  kung saan ang 6.78  porsiyento ay napunta sa Liberal Party candidates habang ang ibang  porsiyento ay napunta naman sa ibang kandidato.

 â€œWhat we saw is that whoever put this together was either Smartma­tic or Comelec. Sila po ang nag-ayos nito,” ani Tingting.

Tahasan din nitong sinagot ang tanong kung may nalalaman si PNoy sa naganap na dayaan.

 â€œOo. You cannot do this kasi e. Siyempre si (Comelec) Chairman (Sixto) Brillantes will be too afraid to do this unless he was directed to do it and he will be protected,” dagdag pa ni  Tingting.

Hindi lamang ito ang unang alegasyon ng dayaan sa nagdaang halalan. Siyam sa Team PNoy ang nanalo habang tatlo naman ang  lumusot sa UNA.

Idinagdag pa ni Ting­ting na nagsimula ang vote manipulation started sa araw ng halalan nang magkaroon ng discre­pancies sa poll tallies ng Comelec.

 

COJUANGCO

COMELEC

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

SI TINGTING

TINGTING

TINGTING COJUANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with