MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa mga guro na nagdiriwang ngayon ng World’s Teacher’s Day, isinulong kahapon ni Senator Sonny Angara ang pagtaas sa sahod ng mga guro.
Ayon kay Angara, dapat ng itaas ang sahod ng mga pampublikong guro sa elementarya at sekondarya bilang pagkilala sa naiaambag nila sa lipunan.
Ngayong araw na ito magtatapos ang isang buwang selebrasyon ng National Teachers’ Month na nagsimula noong Sept. 5.
Sinabi ni Angara na ang mga pampublikong guro ang maituturing na “puso†ng Philippine public school system pero kabilang sila sa mga maitutuÂring na “underpaid workers†dahil na rin sa bigat ng kanilang workload at serbisyo sa lipunan.
“They receive a basic salary that does not commensurate to their contribution,â€ani Angara.
Nais ni Angara na itaas sa salary grade (SG) level 19 mula sa dating SG 11 ang minimum na sahod ng mga pampublikong guro.
Kung maging batas, halos mado-doble ang minimum na sahod ng mga guro mula sa kasalukuyang P18,549 gagawin itong P33,859.
Makikinabang sa panukala ang nasa 3.2 milÂyong teachers sa bansa.