MANILA, Philippines - Idineklara kahapon bilang regular holiday ang Oktubre 15 kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o feast of sacrifice sa buong bansa.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, ang pagdedeklara sa Eid’l Adha ay bilang pakikiisa ng mga Filipino sa mga Muslim sa kanilang pagdiriwang ng feast of sacrifice.
“Napirmahan na po ng Pangulong Aquino iyong proklamasyon declaring October 15 as a regular holiday throughout the country in observance of Eid’l Adha or the Feast of Sacrifice. Kahapon po ito napirmahan ng Pangulo at pinoproseso pa ho kaya wala pa ho siyang proclamation number,†wika ni Valte.