MANILA, Philippines - Ang Kabikulan, Kabisayaan, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, Caraga at ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Rizal, Quezon at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin ang iihip mula sa hilaga hanggang hilagang-kanluran sa silangang bahagi ng Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang araw ay sisikat 5:46 ng umaga at lulubog 5:43 ng gabi.