MANILA, Philippines - Muling isinulong ni Las Piñas Congressman Mark Villar ang kanyang panukala na itigil na ang ‘no permit, no exam policy’ at iba pang polisiya ng mga eskwelahan na humahadlang sa mga estudyante na makakuha ng kanilang midterm at final examinations kung hindi pa nakakaÂbayad ng matrikula at iba pang school fees.
Sa ilalim ng House Bill No. 2898 or the Anti-‘No Permit, No Exam’ Act of 2013â€, labag sa batas ang pagbabawal ng mga technical-vocational (tech-voc) institute o mga higher eduÂcation institution (HEI), pribado o publiko, na pagbawalan ang sinumang estudyante sa post-se condary at higher education na kumuha ng midterm o final exams.
Noong 2011, naipasa sa Kamara ang ‘no permit, no exam bill’ ngunit ito ay hindi naipasa sa Senado.
Kaparehong panukala ang isinumite sa Senado ni Sen. Cynthia Villar.
Ayon kay Villar, kahit na nag-isyu na ang CHED at DepEd ng memorandum sa mga eskwelahan na baguhin ang kanilang polisiya sa mga di makaÂpagbayad ng matrikula, hindi lahat ay sumusunod kaya kailangan ng batas.
Dagdag pa ng kongresista, bagama’t pabor sa mga estudyante ang kanyang panukala, protektado din naman ang mga eskwelahan.
Sa ilalim ng panukala, ang otoridad ng mga eskwelahan ay may karapatan na huwag i-release ang mga grado ng mga estudyante hangga’t hindi nababayaran ang tuition at iba pang school fees; huwag tanggapin sa enrolment o sa mga susunod na semesters ang mga estudyante na may utang pa; hindi isyuhan ng school clearance ang estudyante hangga’t hindi pa bayad ang lahat ng pagkakautang.