150 barangay bantay sarado sa eleksyon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 150 barangay sa buong bansa ang mahigpit na babantayan ng Philippine National Police kaugnay ng posibleng pagsiklab ng karahasan sa gaganaping Barangay elections sa da­rating na Oktubre 28.

Ayon kay PNP-Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theo­dore Sindac, ang nasabing mga lugar ay kabilang sa 6,000 ‘areas of imme­diate concern’ o hotspots mula sa kabuuang 42,008 barangay sa buong bansa.

Umaabot na rin sa 79 katao ang nasakote sa paglabag sa gun ban mula ng ipatupad ito nitong Setyembre 28. 

Ka­ramihan sa mga nasakote ay mga sibilyan na naitala sa 74 katao; dalawang pulis, isang opisyal ng gobyerno at dalawang security guard.

Nakasamsam rin ng 65 mga armas, 21 patalim, 11 eksplosibo, apat na gra­nada, 3 gun replicas at 529 mga bala.

 

Show comments