MANILA, Philippines - Talamak umano ang korapsyon sa Philippine National Police Academy (PNPA) kaya patuloy sa pagbulusok ang kalidad ng edukasyon at antas ng pagsasanay ng mga nais maging opisyal ng pulisya.
Ito ang ibinulgar kahapon ni dating PNPA Director P/Chief Supt. Noel Constantino na kabilang sa unang 49 opisyal ng PNPA na ipina-recall ni PNP Chief Director Ge neÂral Alan Purisima kasunod ng nangyayaring banggaan sa pagitan ng PNPA at Philippine Public SaÂfety College (PPSC) PreÂsÂident Atty. Ruben Platon.
Ang PPSC ang training bureau ng DILG na siyang nangangasiwa sa PNPA at iba pang training institutions para sa mga pulis, fire at jail services.
Nasa 181 police officer at trainors ng PNPA ang ipina-recall ni Purisima sa Camp Crame.
Sinabi ni Constantino na tuluyan ng nabalewala ang ‘honor code’, kalidad at integridad ng PNPA sa paglisan nila sa nasabing institusyon.
Ibinulgar ng opisyal na ang mga kadete ay nakakapasok sa akaÂdemya kahit na may gradong 75% at napakababa ng maintaining grade para sa mga ito.
Wala rin aniyang ipiÂnatutupad na ‘forced study’ para sa mga kadete sa kabila ng iskolar ang mga ito ng gobyerno na nakakapag-aral ng libre bukod pa sa buwanang allowance na P29,500.
Ilang nagnenegosyo rin ang pinahintulutan sa loob ng PNPA ang nakakapag-operate ngunit ang kanilang ginagamit na kuryente at tubig ay binabayaran ng gobyerno kung saan ang kapalit nito ay libre ang mga opisyal ng PNPA at PPSC sa mga ibinebenta ng mga itong produkto.