MANILA, Philippines - Pormal nang sinampahan kahapon ng kasong plunder ng National Bureau of Investigation sa tanggapan ng Ombudsman si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng P900 million Malampaya fund scam.
Bukod kay Arroyo, kiÂnasuhan din sina da ting Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Budget Secretary Rolando Andaya, dating AgraÂrian Reform Secretary Nasser Pangandaman, da ting Agrarian Reform Undersecretary Rafael NietoÂ, DAR finance officer Teresita Panlilio at Budget Undersecretary Mario Relampagos.
Kasama ding kinasuhan sa Ombudsman ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles at mga pinuno ng umano’y mga bogus non-governmental organizations ni Napoles na sinasabing utak sa P10-billion congressional pork barrel scam.
Sinasabing ang P900-milyong pondo ay dapat na nailaan sa mga benepisyaryo ng nagdaang kalamidad sa bansa partikular ng bagyong Ondoy noong 2009 pero napunta lamang umano ang pondong ito kay Napoles sa pamamagitan ng mga pekeng NGOs nito.
Ayon naman sa chief of staff ni Rep. Arroyo na si Atty. Raul LambinoÂ, haharapin ng dating paÂngulo ang panibagong plunder case.
Sa statement ni GMA, binigyan diin nito na ang Malampaya funds na ipinalabas nito ay may legal na basehan.
Awtorisado umano ito alinsunod sa itinatakdang layuning at polisiya sa ilalim ng Presidential Decree 910.
Ang PD 910 ay nagsasabi na gagamitin ang Malampaya funds sa mga energy related proÂjects at sa iba pang purpose na dedeterminahing nararapat ng Pangulo ng bansa. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)