^

Bansa

Plunder vs Gloria, et al sa Malampaya scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang sinampahan kahapon ng kasong plunder ng National Bureau of Investigation sa tanggapan ng Ombudsman si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria­ Macapagal-Arroyo kaugnay ng P900 million Malampaya fund scam.

Bukod kay Arroyo, ki­nasuhan din sina da­ ting Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Budget Secretary Rolando Andaya, dating Agra­rian Reform Secretary Nasser Pangandaman, da­ ting Agrarian Reform Undersecretary Rafael Nieto­, DAR finance officer Teresita Panlilio at Budget Undersecretary Mario Relampagos.

Kasama ding kinasuhan sa Ombudsman ang negosyanteng si Janet­ Lim-Napoles at mga pinuno ng umano’y mga bogus non-governmental organizations ni Napoles na sinasabing utak sa P10-billion congressional pork barrel scam.

Sinasabing ang P900-milyong pondo ay dapat na nailaan sa mga benepisyaryo ng nagdaang kalamidad sa bansa partikular ng bagyong Ondoy noong 2009 pero napunta lamang umano ang pondong ito kay Napoles sa pamamagitan ng mga pekeng NGOs nito.

Ayon naman sa chief of staff ni Rep. Arroyo na si Atty. Raul Lambino­, haharapin ng dating pa­ngulo ang panibagong plunder case.

Sa statement ni GMA, binigyan diin nito na ang Malampaya funds na ipinalabas nito ay may legal na basehan.

Awtorisado umano ito alinsunod sa itinatakdang layuning at polisiya sa ilalim ng Presidential Decree­ 910.

Ang PD 910 ay nagsasabi na gagamitin ang Malampaya funds sa mga energy related pro­jects at sa iba pang purpose na dedeterminahing nararapat ng Pangulo ng bansa. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)

vuukle comment

AGRARIAN REFORM UNDERSECRETARY

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA

BUDGET UNDERSECRETARY MARIO RELAMPAGOS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GEMMA GARCIA

MALAMPAYA

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with