^

Bansa

Junk foods bawal sa mga iskul sa Valenzuela

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na sa mga paaralan sa Valenzuela City ang pagtitinda at pagkain ng “junk foods” na labis na nakasisira sa kalusugan ng mga estuduyante matapos na maghain ng ordinansa si 1st District Councilor Rovin Feliciano sa Sangguniang Panglungsod.

Katuwang ni Feliciano sa pagbuo at paghahain ng ordinansang ito si Sangguniang Kabataan Federation President, Councilor Cris Feliciano na pinamagatang “An ordinance mandating all schools within the city of Valenzuela to serve and promote nutritious food beneficial to the health and general well-being of their students”.

Ayon kay Councilor Rovin, sa pamamagitan ng ordinansang ito ay mababantayan na ang kalusugan ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan sa pampribado at pampublikong paaralan sa lungsod.

Napag-alaman pa sa isinagawang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng mga kabataang nasa pagitan ng 10 hanggang 19-anyos ang hindi nababantayan ang kalusugan.

Mas madali ring ma­kabili ng junk foods sa mga paaralan sa NCR kaya’t mas marami sa mga estudiyante dito ang hindi maayos ang kalusugan dahil na rin sa pagkain ng hindi masusustansiyang pagkain.

AYON

COUNCILOR CRIS FELICIANO

COUNCILOR ROVIN

DISTRICT COUNCILOR ROVIN FELICIANO

FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE

NATIONAL CAPITAL REGION

SANGGUNIANG KABATAAN FEDERATION PRESIDENT

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with