Eye care program ni VM Joy B, libo nabiyayaan
MANILA, Philippines - Umaabot sa 2,483 indibidwal ang nabiyayaan ng eye care program ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte mula buwan ng Enero hanggang Setyembre 2013.
Ang naturang proyekto ay naipatupad sa pakikipag- tulungan sa Vice Mayors Office ng Borough Medical, QC Eye Center at Perfect Sight.
Tampok sa naturang proyekto ang pagsasailalim sa cataract examination, error of refraction ng mga kabataang mag-aaral sa lungsod gayundin ng mga elderly. Tumanggap din ng libreng eye glasses ang may 2,781 kabataan at matatanda buhat sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Ang eye care program ay kabilang sa programang ‘Joy of Public Service’ ni Belmonte kabilang na ang livelihood programs tulad ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ para sa mga single mom, bag making at food processing gayundin ng backyard farming, scholarship program, legal at medical services at iba pa.
- Latest