MANILA, Philippines - Siniguro naman ng MaÂlacañang na hindi labag sa Konstitusyon ang DAP na itinatag ng Aquino admiÂnistration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may legal na basehan ang hakbang ni Pangulong Aquino at DBM para sa DAP.
Una nang sinabi ni daÂting National Treasurer Leonor Briones na maaring nalabag ni Pangulong Aquino ang Saligang Batas dahil tanging savings ng Office of the President ang maaring i-realign ng chief executive at hindi kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Lacierda, nakapaloob ito sa Article 6 Section 25 (5) ng 1987 Constitution at sa mismong Administrative Code.
Kung mayroon kukuwestiyon dito ay handa anilang ipaliwanag at idepensa ang DAP.