Eco-tourism, agri-aqua sa Aurora
AURORA , Philippines – PangmaÂtagalang kaunlaran sa eco-tourism at mga proyektong agri-aqua sa Aurora at mga karatig lalawigan ang inilatag ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (Apeco).
Ayon kay Malcolm Sarmiento, pangulo at CEO ng Apeco na magiÂging sentro ng ecozone ng bio-processing ang hilagang-kanluran ng Luzon kabilang ang Nueva Ecija, Quezon, Quirino, Nueva Vizcaya ar Isabela na tutuon sa produksyon at kalakalan ng agri-aqua.
“Maging ang paglikha ng trabaho at oportunidad pangkabuhayan ay bahagi ng proyekto ng Apeco,†dagdag pa ni Sarmiento.
Isa sa katangian ng Aurora para maging ecozone ay ang pagiging bungad nito sa pinakamalakng karagatan sa mundo at ang 200-milyang Exclusive Economic Zone.
Ipinahayag pa ni Sarmiento na itinakda ng Fisheries Code ng Pilipinas na maaring gamitin ang 10 porsiyento ng look para sa aquaculture kung saan aabot sa 3,000 ektarya ng look sa CasiÂguran na magiging seaweed farming at mariculture (fish farming).
Itatatag din ang bamboo nursery na magbibigay-serbisyo sa mga taniman ng kawayan sa Aurora katuwang ang Bambbo Foundation of the Phils. kung saan maaaring ilatag ang bamboo plantation at processing plant sa Apeco.
- Latest