MANILA, Philippines - Upang madagdagan ang kakulangan sa paggawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglaban sa iligal na droga, may 67 bagong law enforcement officers ang idinadagdag para labanan ang paglaganap ng illegal na droga.
Kahapon, personal na iginawad ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang PDEA badges sa 67 na bagong ahente sa kanilang ika-6th Commencement Exercises para sa Drug Enforcement Officers’ Basic Course (DEOBC) 2013-06 na ginanap sa PDEA Gymnasium, PDEA National Headquarters sa Quezon City.
Ang bagong graduate na tinawag na Class “Manaligâ€, ang ika-anim na batch ng drug enforcement officers (DEOs) na sumailalim sa anim na buwang pagsasanay PDEA Academy sa ilalim ni Director Joseph Ladip, Superintendent ng PDEA Academy.
Ang Class “Manalig†na nangangahulugan ng “Mararangal na Ahente Na Lalaban sa Ipinagbabawal na Gamot†ay ipinangalan para sa pagtitipon ng bawat indibidwal na karapat-dapat sa paggalang at dignidad at ang pangunahing responsibilidad ay magligtas at maging drug-free ang komunidad ng bawat Filipino.
Nabatid na ang naÂturang batch ng PDEA agent-trainees ay nagsimula ng may 75 kandidato na pumasa sa maÂtinding screening at selection processes, tulad ng Neuro-Psychological EÂxaminations, Medical and Physical Examinations, Agility Tests, Background Investigation at Panel Interview. Nagsimula ang pagsasanay noong April 2013 sa may PDEA Academy sa Silang, CaÂvite.