MANILA, Philippines - Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation 655 kung saan ay itinatakda nito ang mga regular, special non-working holidays at special holidays sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang Proclamation 655 ay pinirmahan ni Pangulong Aquino nitong September 25 kung saan ay itinakda ang mga holidays sa susunod na taong 2014.
Ang mga regular holidays ay ang January 1, New Year’s Day; Araw ng Kagitingan, April 9; Maundy Thursday, April 17; Good Friday; at Labor Day, May 1; Independence Day, June 12; National Heroes Day, August 25,; Bonifacio Day, November 30; Christmas Day, December 25; at Rizal Day, December 30.
Ang mga special non-working days ay Chinese New Year, January 31; Black Saturday, April 19; Ninoy Aquino Day, August 21; All Saints’ Day, November 1; at additional special days, December 24,; December 26; Last Day of the Year, December 31.
Ang special holiday for schools naman ang EDSA Revolution Anniversary,February 25; at ang proclamations at deklarasyon ng national holidays ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha na depende sa Islamic calerdar.