Pamamahagi ng DAP funds idinepensa
MANILA, Philippines - Todo-depensa ang Malacañang sa pamamahagi nito ng pondo mula sa Disbursement Allocation Program (DAP) sa mga mambabatas matapos na kuwestyunin ito ni dating Sen. Joker Arroyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mula sa savings ng gobyerno ang DAP at hindi naman ito nakasaad sa General Appropriations Act (GAA) amendments.
Sinabi ni Sec. Lacierda na ang P47 milyon na pondo na ginamit sa mga proyekto ni Sen. Arroyo ay mula sa DAP fundings.
Aniya, malinaw na mayroong sulat mismo si Sen. Arroyo kay Sen. Franklin Drilon na may petsang Feb. 4, 2013 na noon ay chairman ng senate finance committee para mapondohan ang ilang proyekto na kanyang tinukoy para sa Bicol region na pagpapatayo ng mga paaralan.
Giit ni Lacierda na pinag-aralan ng DBM ang panukala ni Sen. Arroyo sa kanyang liham kay Drilon at inaprubahan saka kinuha ng pondo mula sa DAP upang gastusan ang kanyang tinukoy na mga proyekto.
- Latest