Ombudsman kay Drilon: Bahala kang magdesisyon
MANILA, Philippines - Ipinapaubaya ni OmÂbudsman Conchita Carpio-Morales kay SeÂnate President Franklin Drilon ang pagdedesisÂyon tungkol sa pagpapadala ng subpoena kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng pork barrel scam upang makadalo sa imbestigasyon ng Senado.
Sa sulat na may petsang Setyembre 30, 2013 na ipinadala ni Morales kay Drilon, sinabi nito na nasa kapasyahan na ng maÂyorya ng mga miyembro ng Senado ang nasabing bagay.
Nilinaw din ni Morales na ang nauna niyang payo kay Drilon na hindi napapanahon ang pagpapatawag kay Napoles ay hindi isang paghamon sa kapangyarihan ng Senado.
Pero nilinaw din ni Morales na hindi niya binabago ang kanyang naunag comment na hindi napapanahon ang pagharap ni Napoles sa imbestigasyon ng Senado.
Matatandaan na sa halip na magdesisyon tungkol sa naunang kahilingan ni Sen. Teofisto Guingona III na ipa-subpoena si Napoles, sumulat si Drilon sa Ombudsman upang hingin ang opinyon tungkol sa isyu.
Ginamit na sangkalan ni Drilon ang opinyon ni Morales na huwag munang pirmahan ang subpoena pero sumulat ulit si Guingona kay Drilon na muli namang nagpasaklolo sa Ombudsman.
Hanggang kahapon ay hindi makunan ng reaksiyon si Drilon tungkol sa sulat ni Morales na ipinauubaya na sa Senado ang pagpapalabas ng subpoena kay Napoles.
- Latest