MNLF lumpo na – Palasyo
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo na lumpo na ang puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction.
Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, ipinapalagay nilang malaking dagok ito sa puwersa ni Misuari ang ginaÂwang walang-humpay na pag-atake sa kanilang puwersa na lumusob sa Zamboanga City.
Sinabi pa ni Carandang, marami-rami na rin sa mga miyembro ni Misuari ang naaresto, nagsisuko at napatay sa mahigit 20 araw na labanan.
Sa pinakahuling talaan ng AFP, umaabot na sa 252 ang bilang ng mga naarestong miyembro ng Misuari group. Hindi pa kasali rito ang mga napatay at mga sumuko sa otoridad.
Sinabi naman ni AFP-PIO chief Lt. Col. Ramon Zagala, na mabibilang na lamang sa daliri ang natitirang puwersa ni Misuari na patuloy na nagtatago sa Zamboanga City kaya’t paminsan-minsan ay mayroon pa ring maririnig na putukan sa siyudad.
Samantala, walo pang miyembro ng MNLF ang napaslang matapos manlaban at magmatigas na sumuko sa tropa ng pamahalaan habang isa naman ang nadakip sa patuloy na clearing operations sa Zamboanga City kamakalawa .
Ang panibagong bakbakan ay naganap matapos ang isang araw na ideklara nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at ng Malacañang na tapos na ang krisis sa lungsod .
Ayon Col. Zagala, nagsasagawa ng cleaÂring operation ang tropa ng gobyerno sa Brgy. Sta. Barbara nang muÂling magkaroon ng bakbakan ganap alas-6:00 ng umaga kamakalawa na nagresulta ng pagkamatay ng walong MNLF fighters.
Kaugnay nito ay wala munang pull-out sa tropa ng mga sundalo sa Zamboanga City hangga’t hindi natatapos ang isinasagawang clearing operations sa ‘constricted area’ sa Brgy. Sta Barbara at Sta Catalina.
- Latest