Obesity epidemic na

MANILA, Philippines - Umabot na sa epide­mic ang obesity sa buong mundo base sa datos ng World Health Organization (WHO) at nasa 2.8 milyon ang namamatay kada taon dahil sa sobrang katabaan.

Sa 2011 survey naman ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), 22.3 porsiyento ng Filipino adults ang overweight habang 6% ang obese.

Dahil dito kaya isinusulong ni 1st district Davao del Norte Rep. Anthony del Rosario ang pagtatayo ng Healthy lifestyle office upang malabanan ang tumataas na bilang ng obesity sa bansa.

Sa House bill 69 sisi­guruhin nito na mabibigyan ng kaalaman ang publiko tungkol sa iba’t ibang seryosong sakit na nakakaapekto sa mamamayan.

Isa na rito ang obesity at mga problema sa pagtaas ng timbang na nagreresulta sa chronic diseases.

Ang Healthy lifestyle office ang magpaplano, develop at implement ng national program para sa promosyon at suporta sa mga aktibidad na makakatulong upang maging healthy ang lifestyle ng mga Pinoy.

Show comments