Malik patay na?

MANILA, Philippines - Natagpuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang hinihinalang bangkay ni Habier Malik, lider ng Moro National Li­beration Front (MNLF) fighters na lumusob sa Zamboanga City.

Ayon kay AFP public affairs office deputy head Maj. Angelo Guzman, tinitignan pa nila kung ang nasabing katawan ay sa nasawing MNLF commander nga matapos matagpuan ang mga ID nito sa tabi ng bangkay.

Sabi ni Guzman, may pagkakahalintulad umano ang katawan sa rekord ng kanilang tanggapan kay Malik.

“IDs belonging to Malik found in one killed Nur fighter in Zamboanga (but) is not a guarantee that he is Malik, though they have similarities,” dagdag ni Guzman.

Ayon naman kay Lt. Col. Ramon Zagala, hepe ng AFP public affairs office, si Malik ay isa lamang sa limang commanders ng MNLF forces na nag-take over sa ilang parte sa lungsod.

“We have to consider how many forces, there are five commanders, and Malik is just one of them,” sabi ni Zagala.

Para naman kay MNLF founding chair Nur Misuari, dagdag ni Zagala, may impormasyon na nagsabi na ito ay nasa Sulu, subalit tumanggi namang tukuyin kung saan ito nagkukuta sa naturang lugar. Pero patuloy na minomonitor nila ang nasabing lider ng MNLF.

 

Show comments