MANILA, Philippines - Ang Kabisayaan at mga rehiyon ng MIMAROPA, Caraga at Hilagang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalaÂngitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang silangan ang iiral sa dulong Hilagang Luzon, mula naman sa timog-kanluran hanggang timog sa nalalabing bahagi ng Luzon at Kabisayaan at mula naman sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iihip sa Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang araw ay sisikat dakong 5:45 ng umaga at lulubog dakong 5:47 ng hapon.