MANILA, Philippines - Sunod-sunod na pagyanig ng lupa ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kahapon ng madaling-araw.
Alas-2:46 ng madaling-araw nang maitala ng PHIVOLCS ang 2.8 magnitude na lindol sa layong 019 kilometro hilagang silangan ng Looc Occidental Mindoro na may lalim ng lupa na 90 kilometro.
Nilindol din ng 2.9 magnitude ang timog kanluran ng Kiamba Saranggani na may lalim ng lupa na 22 kilometro ganap na alas-12:28 ng madaling-araw.
Iniulat din ng PHIVOLCS na gumalaw naman ang isang bahagi ng Manila Trench alas 4:03 ng Biyernes ng hapon.
Ayon kay Kathlyn Papiona, Senior Science Research Specialist ng PAGASA ay may magnitude 4.7 na lindol ang kanilang naitala sa West Philippine Sea o 127 kilometro timog kanluran ng San Antonio, Zambales na may lalim na 10 kilometro .
Naramdaman ang lakas na intensity 2 na lindol sa Quezon City, Pasay at Malabon City, Olongapo City; Manila; Muntinlupa City sa mga nakatira lamang sa matataas na gusali ang nakaramdam ng pagyanig.
Intensity 3 naman ang naramdamang lindol sa Iba, Zambales habang intensity 1 sa Puerto Galera at OrienÂtal Mindoro.
Wala namang naiulat na napinsala o naapektuhang mga indibidwal at mga gusali ang naturang mga paglindol.