^

Bansa

Jinggoy ‘di dapat tawaging honorable - CBCP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalo pang bumaba ang moral integrity ni Sen. Jinggoy  Estrada sa isinagawa niyang privilege speech sa Senado kamakailan, na dapat lamang na hindi na tawaging ‘honorable’, ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Father Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng CBCP, hindi sapat ang ginawa ni Estrada na ‘pagbato ng putik’ sa kanyang mga kapwa mambabatas na para lamang ‘makatakas’ sa ginawang mali ay mistulang nagsabing ‘kami namang lahat ay gumagawa ng katiwalian.’

“Hindi sapat yung batuhin mo, kulang ang ginawa ni Senador Estrada, para lang makatakas sa ginawang mali ay sasabihin mo lang na kaming lahat ay gumagawa. Ibig sabihin ba sa hindi mo pagtugon dun sa akusasyon sayo ay siguro sa aking pakahulugan doon ay tinatanggap mo na rin na talagang totoo yung mga paratang sa iyo,” paliwanag ni Gariguez sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Matatandaang si Estrada ay isa sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder matapos na masangkot sa P10 billion pork barrel scam, ngunit sa isang privilege speech sa Senado ay hindi naman nito itinanggi ang  akusasyon laban sa kanya at sa halip ay kinuwestiyon ang pagdidiin sa kanya sa kaso at pinaratangan pa ang kanyang mga kapwa mambabatas na tumanggap ng suhol na P50 mil­yong karagdagang pork barrel funds mula sa Malacanang para tuluyang ma-impeach sa pwesto si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Aminado naman si Gariguez na nakakahiyang aminin na ang Pilipinas ay isang Katolikong bansa ngunit walang integridad at hindi matitino ang mga lider nito.

Nilinaw pa ni Gariguez na ang kawalan ng pagsisisi ang isang masamang katangian ng mga lider ng bansa kung saan ang isang requirement sa pagkamit ng hustisya ay pagpapatawad.

 â€œBahagi ng sakramento ng kumpisal o pakikipagsundo ay aminin mo ang iyong kasalanan para patawarin ng Panginoon. Hindi ka rin repentant kapag hindi inamin ang ginawa mong kasalanan at ang ginagawa mo ay bumato ng bumato sa iba,” paliwanag pa niya.

 

CATHOLIC BISHOPS

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

FATHER EDU GARIGUEZ

GARIGUEZ

NATIONAL SECRETARIAT

RADIO VERITAS

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with