Isa pang LPA nagbabanta

MANILA, Philippines - Panibagong low pressure area (LPA) ang ina­asahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kahit pa nakalabas na ang bagyong Paolo.

Ayon kay Fernando Cada, weather forecaster, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 900 kilo­metro silangan ng Northern Mindanao at kung ganap na magiging bagyo ay tatawagin itong Quedan.

Ang bagyong Paolo naman ay inaasahang tatagal pa sa karagatang sakop ng Pilipinas hanggang Linggo kaya inaasahang magdudulot pa ito ng mga pag-ulan dahil sa nahahatak na habagat.

Huling namataan si Paolo sa layong 290 kilo­metro ng kanluran ng Subic, Zambales taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilo­metro kada oras malapit sa gitna.

Ngayong Sabado, si Paolo ay inaasahang nasa layong 445 kilometro kanluran ng Iba, Zambales at nasa layong 610 km kanluran ng Iba, Zambales.

 

Show comments