MANILA, Philippines - Aprubado na ng Malacañang ang kontrata para sa pagtatayo sa Metro Manila Skyway (MMS) Stage 3 Project na kokonekta sa Southern Luzon Expressway (SLEX) sa North Luzon Expressway (NLEX).
Sinabi ng Department of Transportation and Communications na maÂlaking tulong sa mga motorista kapag naidugtong na ang SLEX at NLEX dahil hindi na dadaan ang mga sasakyan sa napaka-trapik na EDSA sa oras na matapos ang proyekto.
Popondohan ang proyekto ng Citra Central Expressway Corporation sa halagang P26.5 bilÂyon habang oobserbahan naman ang proyekto ng DOTC at ng Toll Regulatory Board (TRB).
Ligtas sa baha at maÂlaking bahagi umano ng kalsada ay “elevated 6 lane expressway†na may habang 14.2 kilometro.
Tinatayang matatapos ang proyekto sa loob ng tatlong taon kung saan nag-umpisa na ang prepatory at advance works. Ipapatupad naman ang 24-oras na konstruksyon sa ikalawang bahagi ng 2014.
Umaasa naman ang DOTC na magtutulungan ang DPWH, MMDA at mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, Makati at Maynila upang masolusÂyunan ang inaasahang mas matindi pang pagbubuhol ng trapiko.
Inaasahan rin na mapapaluwag ng proyekto ang EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila habang mapapabilis ang biyahe mula Balintawak sa Quezon City hanggang Buendia, Makati City mula sa 2 oras sa 15 minuto lamang.
Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P2.4 bilyon oportunidad sa ekonomiya ng Pilipinas ang nawawala kada taon dahil sa araw-araw na mabigat na trapiko sa Metro Manila.