MANILA, Philippines - Nagparating ng pakikiramay si dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas sa pamilya ng mga nasawi sa landslide sa Subic, Zambales kasabay ng paÂnawagan sa gobyerno na tingnan ang kapakanan ng iba pang biktima ng nasabing trahedya.
“Nakakalungkot ang pangyayaring ito dahil maraÂming buhay ang nasayang bunsod na rin ng nangyaring kalamidad kaya nais kong iparating ang aking pakikiramay sa kanilang mga pamilya,†wika ni Arenas.
Sa huling tala, nasa 31 na ang bilang ng namatay sa insidente na nangyari sa magkahiwalay na barangay sa Subic.
Umapela naman si Arenas ng tulong para sa daan-daan katao na nawalan ng tahanan at pansamantalang naninirahan sa evacuation centers.
Hinikayat ni Arenas na tumugon ang lahat ng may kakayanan, sa gobyerno at pribadong sektor, sa hiling ng mga lokal na opisyal na magpadala ng mga “resÂcuers, equipment diggers, inflatable boats at pati na rin relief goods.â€
Ang Zambales kung nasaan ang Subic ay karatig-lalawigan ng Pangasinan.