MANILA, Philippines - Kinastigo ng labor group na Kilusang Mayo Uno ang ginawang pag-apruba ni Pangulong Noynoy Aquino na maitaas sa 0.6 percent ang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System dahil sa magdaÂdagdag lamang ito sa problemang pasanin at dagdag na gastusin gayung hindi naman napapaÂangat ang benepisyo ng SSS members.
Ayon sa KMU na tulad ng naganap na pork barrel scam, ang mga manggagawa ay nagpapakahirap sa trabaho pero nauwi lamang sa bulsa ng mga tiwaling pulitiko ang kanilang pera.
“The SSS leadership has consistently claimed that the workers’ fund is in a healthy condition. We therefore see no legitimate reason for increasing members’ contribution,†pahayag ni Jerome Adonis, campaigns officer ng KMU
Nilinaw ni Adonis na maaari namang ayusin ang paglaÂlaan ng benepisyo sa mga SSS members ng hindi itinataas ang premium.
Sa ngayon ang SSS ay may 10 million members at 1.6 million pensioners.
Banta ng KMU, patuloy silang magsasagawa ng mga pagkilos kontra sa pagtataas sa contributions sa SSS hanggang sa huling araw bago ito maipatupad sa January 2014.