Laguna Gov. Ejercito sinipa ng Comelec

MANILA, Philippines - Dahil sa overspending o sobra-sobrang gastos sa pangangampanya, diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) First Division si Laguna Governor Emilio Ramon “E.R” Ejercito sa pagtakbo sa nakalipas na mid-term elections.  

Tinukoy ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na sa patalastas pa lamang sa telebisyon ay umabot na sa mahigit P6 milyon ang gastos ni Ejercito. 

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 96-15, alin­ sunod sa Fair Elections Act ay pinapayagan lamang ang isang kandidato na gumastos ng tatlong piso sa kada botante na sakop ng lugar kung saan siya tumatakbo.  

Ang Laguna ay mayroong mahigit isa at kala­hating milyong rehistradong botante kaya dapat ay hindi lu­mag­­pas sa P4.5 million ang gastos sa pangangam­panya ni Ejercito. 

Paliwanag naman ni Commissioner Lu­cenito­ Tagle na pumirma sa resolusyon bilang Presi­ding Commissioner ng Comelec First Division, maari pang iapela­ ni Ejercito ang desisyon ng First Division sa pamamagitan ng paghahain ng motion for recon­si­deration sa Comelec En Banc.

Ipinaliwanag naman ni Tagle na kapag naging pinal ang desisyon ng Comelec ay kinakaila­ngang uma­lis­ sa pwesto si Ejercito at ang papalit sa kanya­ ay ang bise gobernador ng lalawigan na si Dan Fernandez­. 

 

Show comments