MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na namahagi sila ng P50 million sa lahat ng senador na bumoto para mapaÂtalsik si dating Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay Secretary Ricky Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office sa pagdalo nito sa budget hearing sa Kamara na walang basehan ang alegasyon ni Sen. Jinggoy Estrada na may “selective investigation†sa pork barrel anomalies.
Paliwanag ni Carandang, itinanggi na rin ng Department of Budget and Management (DBM) na may ipinamahaging P50M sa mga senador at sa halip ay nabinbin pa nga ang pagpapalabas ng PDAF.
Iginiit pa nito na ilang buwan pagkatapos ng impeachment, ay saka pa lamang ipinalabas ang PDAF ng lahat ng senador, bumoto man ng pabor o hindi ang mga ito sa Corona Impeachment Trial. Makikita naman umano ito sa records kung kaya wala umanong katotohanan na selective ang DBM.
Upang mapatunayan na walang naganap na “selective investigation,†pinayuhan nito ang publiko na bisitahin ang COA website at tignan ang mga impormasyon.