MANILA, Philippines - Hindi kailangan ang tulong ng international community upang lutasin ang krisis sa Zamboanga City at para sa rehabiÂlitation nito.
Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, kayang-kaya ng gobyerno na resolbahin ang gulo sa Zamboanga nang hindi humihingi ng tulong sa UniÂted Nations upang malutas agad ang problemang nilikha ng MNLF-Misuari faction.
“We have the resourÂces to deal with it,†sabi ni Carandang kaugnay sa naging pahayag ng UN na ang sitwasyon daw sa Zamboanga City ay itnituring nang “humanitarian crisis†matapos umabot sa mahigit 100,000 residente ang naapektuhan ng kaguluhan at napilitang iwan ang kanilang mga tahanan.
Nagpapasalamat naman ng Palasyo sa pag-aalok ng tulong ng UN.
Nilinaw din ni Carandang na hindi masisimulan ang ‘full blown rehabilitation’ sa Zamboanga kung patuloy pa rin ang paghahasik ng kaguluhan ng MNLF-Misuari faction.