MANILA, Philippines - Binira rin ni Sen. Estrada ang tungkol sa palaging paglabas ng bansa ni COA chair Grace Pulido-Tan.
Ayon kay Estrada, mukhang hindi nagagampanan ni Tan ng maayos ang kanyang trabaho dahil palagi itong nasa labas ng Pilipinas.
Noon umanong 2010, limang beses na lumabas ng bansa si Pulido-Tan, 11 beses noong 2011, 10 beses noong 2012 at ngayong 2013 ay siyam na beses na itong lumabas ng Pilipinas.
Sinabi pa ng senador na ang palaging paglabas ng bansa ni Pulido-Tan ang dahilan kung bakit hindi nito masyadong nababantayan ang paggawa ng special audit report ng COA.
Pinuna rin ni Estrada ang personal na pagdalo ni Pulido-Tan sa New York para sa UN Board of Audit kaya hindi ito nakadalo sa hearing ng Blue Ribbon Committee gayong maari naman itong magpadala ng kinatawan.
Pinapahanap ni Estrada kay Pulido-Tan ang P69.2 bilyon na hindi pa naa-audit ng COA para sa mga releases noong 2007, 2008 at 2009.
Inisa-isa rin ni Estrada ang iba pang mambabatas na hindi kumpletong na-udit ng COA kabilang na sina: Congw. Henedina Abad na P2M lang ang na-audit; P178M lang kay Rep. Niel Tupas; P197M lang kay Cong. Isidro Ungab; P351M lang kay Sen. Alan Peter Cayetano; P5M lang ang na-audit sa PDAF ni daÂting Sen. Mar Roxas; at P3M lang kay Sen. Antonio Trillanes.
Pero sa PDAF umano nina Enrile, Estrada at Revilla ay binusisi at tiningnan ng COA ang kabuuan ng kanilang PDAF.