MANILA, Philippines - Mas lumaki na ang posibilidad na hindi na matuloy ang Sangguniang Kabataan (SK) election sa Oktubre 28 matapos ratipikahan ng Senado ang panukalang batas para sa pagpapaliban nito.
Bumoto ang mga senador sa congressional bicaÂmeral conference committee report na pumapabor sa pagpapaliban ng eleksiyon ng mga kabataan.
Pero hind pumabor si Escudero sa panukala lalo na sa posibilidad na mistulang pagbuwag sa SK sa loob ng isang taon hangga’t hindi naitatakda ang susunod na halalan.
Nag-abstain sa botohan si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Sen. Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr., napagkasunduan sa bicam na sa sandaling makansela ang nakatakdang eleksiyon sa susunod na buwan, hindi papayagan ang mga kasalukuyang SK officials sa kanilang posisyon.
“Ang compromise namin, no holdover pero may time limit kaya nilagyan namin ng October 28, 2014 hanggang February 23, 2015 para kailangang matapos,†pahayag ni Marcos.
Dahil napagtibay na ang pagpapaliban ng SK elections ipapadala na sa Malacañang ang niratipikahang bicam report para lagdaan ni Pangulong Aquino.