MANILA, Philippines - Iginiit ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na magbibitiw siya sa puwesto kapag napatunayan ni Sen. Kit Tatad ang kanyang alegasyon na ginamit na conduit ng Palasyo si Janet Lim-Napoles para sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona at pagpasa ng Reproductive Health Law.
Sinabi ni Sec. LaÂcierÂda, walang katotohanan ang mga bintang ni Sen. Tatad.
Ayon kay Lacierda, dapat ipakita ni Tatad ang ebidensiya upang patotohanan ang kanyang mga alegasyon na ginamit ng administrasyon si Napoles.
Idinagdag pa ni Lacierda na dapat pangalanan ni Tatad ang kanyang source na nagsasabing nakipag-lunch daw si Pangulong Aquino kay Napoles.
“If he can prove to me that Napoles had lunch with the President, I will resign, simple as that,†hamon pa ng tagapagsalita ng Malacañang.
Aniya, kapag hindi niya napatunayan ang kanyang (Tatad) mga alegasyon ay dapat humingi siya ng apology sa PaÂngulo at sa kanya.