MANILA, Philippines - Nagbanta ang isang mambabatas na haharangin ang nakaamba na namang reclamation sa Manila Bay.
Ayon kay Buhay partyÂlist Rep. Lito Atienza, nakakuha na siya ng napirmahang kontrata para sa reclamation ng Manila Bay mula Cultural Center of the Philippines hanggang US Embassy.
Ang nasabing kontrata umano ay napirmahan sa pagitan ng Gold Cost Corporation at Manila City Government noong panahon ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.
Ang kontrata umano ay “sweetheart deal†para sa reclamation na mag-uumpisa sa 148 hectares ng Manila at bukas sa karagdagan pang ektarya.
Paliwanag ng mambabatas, 70-30 ang magiging hatian ng Manila City GoÂvernment at ng Gold Coast sa anumang kikitain sa sandaling ma-develop na ang lugar.
Iginiit pa ni Atienza, na malaking panganib ito sa lungsod ng Maynila dahil posibleng maging ugat ng matinding pagbaha ang reclamation.
Nilinaw naman ng DENR sa Kamara na wala silang ibinibigay na environmental compliance certificate o ECC sa nasabing proyekto.