^

Bansa

Reclamation sa Manila Bay haharangin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta ang isang mambabatas na haharangin ang nakaamba na namang reclamation sa Manila Bay.

Ayon kay Buhay party­list Rep. Lito Atienza, nakakuha na siya ng napirmahang kontrata para sa reclamation ng Manila Bay mula Cultural Center of the Philippines hanggang US Embassy.

Ang nasabing kontrata umano ay napirmahan sa pagitan ng Gold Cost Corporation at Manila City Government noong panahon ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Ang kontrata umano ay “sweetheart deal” para sa reclamation na mag-uumpisa sa 148 hectares ng Manila at bukas sa karagdagan pang ektarya.

Paliwanag ng mambabatas, 70-30 ang magiging hatian ng Manila City Go­vernment at ng Gold Coast sa anumang kikitain sa sandaling ma-develop na ang lugar.

Iginiit pa ni Atienza, na malaking panganib ito sa lungsod ng Maynila dahil posibleng maging ugat ng matinding pagbaha ang reclamation.

Nilinaw naman ng DENR sa Kamara na wala silang ibinibigay na environmental compliance certificate o ECC sa nasabing proyekto.

ATIENZA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

GOLD COAST

GOLD COST CORPORATION

LITO ATIENZA

MANILA BAY

MANILA CITY GO

MANILA CITY GOVERNMENT

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with