‘Pasabog’ ni Jinggoy diversionary tactic
MANILA, Philippines - Ang inaasahang pasabog o talumpati ni Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kontrobersiyal na anomalya sa Priority Development Assistance Fund ay isang pagtatangka umanong ilayo ang atensyon ng publiko sa pagkakasangkot dito ng maraming mambabatas.
Ito ang tinuran ng ilang political science professor ng University of the Philippines at ng Ateneo de Manila University na bumatikos sa napaulat na gagawing talumpati ni Estrada na kabilang sa kinasahan sa Ombudsman kaugnay ng P10 bilyong PDAF scam na pangunahing kinasangkutan ng negosyanteng si Janet Napoles.
Usap-usapan na ang “pasabog†na papaputukin sa bulwagan ng Senado ay magsasangkot sa matataas na opisyal ng sangay ehekutibo ng pamahalaan at marami pang kasapi ng Kongreso sa “high-level corruption.â€
Itinuturing naman ito ni ADMU Professor Benito Lim na “pang-agaw pansin†o “pampalito†upang sagipin ang mga sarili ng mga nasasakdal sa PDAF scam.
“Binalaan na tayo ng oposisyon hinggil sa “pasabog†sa Lunes, di ba nila alam? Paulit-ulit nila itong sinasabi mula noong isinumite ni (Justice) Secretary (Leila) Delima ang “trak-trak na ebidensya†sa Ombudsman),†sabi pa ni Lim. “Mahihirapan sila. Matutubos ba nila ang kanilang nawawala nang mga karera? Tingin ko ay hindi na. Ang dalawang ito ay mahihirapang kumbinsihin ang mga tao na wala silang kinalaman sa pagÂlustay ng kanilang mga PDAF (Priority Development Assistance Fund).â€
Ayon naman kay Prof. Prospero de Vera ng UP, ang mga malalaking kaganapang tulad nito ay nagpapakita lamang ng sumasamang kamulatan sa pulitika ng bansa. “Ang mga telenobelang ito at mga katulad na palabas sa pulitika ay isa lamang patunay sa lumalalang pulitika sa bansa. Mas masama rin itong patotoo sa uri ng ating mga pinuno. Kapag ganito ang mga kaganapan, ito ang pinakamasamang panahon sa ating demokrasya. Hindi tayo dapat ganito dahil ipinapakita lamang na sadyang mahina at gamusmos pa ang ating demokrasya.â€
Nagpahayag din ng pag-aalala sina Dr. Benjamin Muego ng ADMU at de Vera sa kalagayan ng pulitika na maaaring lumaÂla kung magpapalito ang mamamayan at ibaling nito ang pansin papalayo mula sa usapin ng “pag-uusig at pagpapanagot†sa mga mapapatunayang tiwali.
“Mahihirapan sila dito, kahit pa nga gagamit sila ng distraction strategies upang ibaling ng mamamayan ang atensyon sa iba,†sabi rin ni Lim.
Kung si Muego naman ang tatanungin, sisiÂngaw lamang ang kahit na anong “pasabog†kung ito ay papakawalan dahil sa pagnanais na umiwas sa pagtutok ng publiko sa pag-uusig at pagpaÂpanagot sa kanila.
- Latest