^

Bansa

MNLF sumusuko na sa gutom

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa ika-12 araw ng bakbakan kahapon sa Zamboanga City ay anim na miyembro ng Moro National Liberation Front (MNF) na nanghihina na sa gutom at wala ng mga bala ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Bgy. Sta. Barbara.

“Six rogue MNLF surrendered to government troops, they have no ammunitions at nagugutom na sila,” pahayag ni Lt. Col Harold Cabunoc, commander ng AFP-Civil Relations Group.

Alas-9:15 ng umaga ng makabakbakan muli ng tropa ng mga sundalo ang nalalabi pang miyembro ng MNLF sa Sta. Barbara.

Nasawi sa engkuwentro ang isang rebelde sa ‘close quarter battle,’ ayon sa opisyal.

Alas-10 naman ng umaga ng makapalitan ng putok ng militar ang Misuari fighters sa nasabi ring lugar na ikinasawi naman ng tatlo pa sa mga kalaban.

Wala namang nasu­gatan at nasawi sa panig ng mga sundalo sa nasabing panibagong bakbakan kahapon.

Sa kabuuan, umaabot na sa 117 ang naaresto at nagsisukong MNLF simula Setyembre 9 nang lumusob ang may 300 nitong miyembro sa ilang coastal barangay sa lungsod ng Zamboa­nga. Naitala rin sa 98 ang napaslang na rebelde.

Nilinaw rin ng opisyal na 10 ang nasawi sa mga sundalo na nabawasan ng dalawa matapos na maisama sa talaan ang dalawang napaslang na pulis at umaabot na sa 111 ang nasugatang tropa ng AFP.

Nairekord naman sa tatlong pulis ang napatay at 13 ang nasawi habang walo ang nasawing sibil­yan at 48 na lamang ang sugatan.

 

BGY

CIVIL RELATIONS GROUP

COL HAROLD CABUNOC

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NAIREKORD

NAITALA

NASAWI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with