^

Bansa

MM nakaalerto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim sa heightened alert ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong puwersa nito sa Metro Manila upang tiyakin ang peace and order.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac na effective immediately ang heightened alert base sa direktiba ni NCRPO Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. upang tiyakin na walang spillover ng gulo sa Zamboanga City sa Metro Ma­nila, pagsabog sa da­lawang sinehan sa SM Mall at Gaisano Mall sa Davao City at ang mainit na isyu ng mga kilos protesta kontra Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel­ na kinasangkutan ng “mastermind” na si Janet­ Lim-Napoles.

Bukod dito ay minomonitor din ang presensya ng mga miyembro at opisyal ng Misuari breakaway group sa MM kung saan inatasan ni Garbo ang limang District Police Director ng NCRPO na makipagdiyalogo sa Muslim communities.

Mahigpit na binabantayan ngayon ang mga malls, bus terminals, mga daungan, paliparan at iba pang mga matataong lugar.

Bantay sarado rin ang mga Embahada ng iba’t ibang mga bansa at commercial districts.

“We intensified our monitoring, target harde­ning measures and intelligence operations,” giit pa ng opisyal.

 

vuukle comment

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DAVAO CITY

DIRECTOR P

DISTRICT POLICE DIRECTOR

GAISANO MALL

MARCELO GARBO JR.

METRO MA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with