^

Bansa

Ulat Panahon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Metro Manila, La Union, Pangasinan, CALABARZON, ang nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon at ng MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa Gitna at Katimugang Luzon at mula naman sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa natitirang bahagi ng Luzon at ang baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Ang araw ay sisikat 5:45 ng umaga at lulubog 5:54 ng gabi.

ANG METRO MANILA

GITNA

GITNANG LUZON

HANGGANG

KABIKULAN

KABISAYAAN

KATAMTAMAN

KATIMUGANG LUZON

LA UNION

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with