MANILA, Philippines - Lumakas pa ang bagyong Odette habang naka-stationary sa may karagatang sakop ng Tuguegarao. Alas-11 ng umaga kahapon, si Odette ay namataan ng Pagasa sa layong 800 kilometro silangan ng Tuguegarao taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.
Si Odette ay kumikilos pakanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras. Ang bagyo ay magdadala ng mga pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon at Southern Luzon, maging sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa epekto dito ng habagat.
Patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang mga mangingisda na may maliliit na bangka na huwag munang maglalayag sa karagatan sa mga nabanggit na lugar dahil sa malalaking alon dulot pa rin ng habagat.