MANILA, Philippines - Matapos ang may 13 taong pagdurusa sa kulungan, makakauwi na ang OFW na si Rogelio “Dondon†Lanuza na nahatulan ng bitay dahil sa pagpatay sa isang Saudi national noong 2000.
Kinumpirma ni Vice President Jejomar Binay ang pag-uwi ni Lanuza sa Pilipinas na inaasahang lalapag ngayong hapon (Setyembre 19) sa Ninoy Aquino International Airport mula Dammam.
Sasalubungin si Lanuza ng mga opisyales at kinatawan ng Office of the Vice President, DFA at Overseas Workers Welfare Administration sa paliparan.
Nagpasalamat si Binay sa pamahalaang Saudi Arabia lalo na kay King Abdullah dahil sa malaÂking tulong na ibinigay kay Lanuza matapos na akuin ang kakulangang 2.3 milyon Saudi riyal na blood money mula sa kabuuang 3 milyon SAR o mahigit P32 milyon upang ganap na makakuha ng tanazul o affidavit of forgiveness sa pamilya ng kanyang napatay.
“This is a rare instance where the king of Saudi Arabia contributed millions of pesos to save someone’s life,†ani Binay.
Nagdiwang naman ang pamilya ni Lanuza sa Pilipinas at isang mainit na pagsalubong ang kanilang inihanda sa pagdating nito. sa Manila.
Si Lanuza ay hinatulan ng bitay ng Saudi court noong 2001 dahil sa pagpatay sa isang Saudi national na nagtangka umano siyang gahasain.
Nakakuha ng pardon si Lanuza sa pamilya ng biktima matapos na unang mag-demand ng 6 milyon SAR na bumaba sa 3 milyon SAR.